Sunday, October 25, 2009

Mga Papel Ko

Sir ito na po yung mga links sa mga papers ko:


http://www.4shared.com/file/143669349/4ddb3afa/El_Filibusterismo.html
http://www.4shared.com/file/143669352/c312d233/Noli_Me_Tangere.html
http://www.4shared.com/file/143669485/ed972f58/Gregoria_De_Jesus.html
http://www.4shared.com/file/143678576/771846cf/Speech.html
http://www.4shared.com/file/143669587/25b2443/Cosplay.html
http://www.4shared.com/file/143669819/3cf9215e/ANG_GROUND_ZERO_1.html
http://www.4shared.com/file/143672116/49f6a9f1/IPAGLALABAN_KO.html
http://www.4shared.com/file/143670088/d4479d03/SAN_N_NGA_B_TAU_1.html
http://www.4shared.com/file/143670092/2d89455c/ANG_GROUND_ZERO.html
http://www.4shared.com/file/143672107/27eaa826/SAN_N_NGA_B_TAU.html
http://www.4shared.com/file/143672116/49f6a9f1/IPAGLALABAN_KO.html
http://www.4shared.com/file/143674663/56f982e0/_2__Gregoria_De_Jesus.html
http://www.4shared.com/file/143674667/519446f9/Cosplay.html
http://www.4shared.com/file/143677487/de2610f7/Laguna_Tour.html
http://www.4shared.com/file/143677494/5e34700c/Batas_Militar.html
http://www.4shared.com/file/143678576/771846cf/Speech.html
http://www.4shared.com/file/143679375/52200ca2/30_Days_of_Night.html


Sir ito po yung pinakafolder:
http://www.4shared.com/dir/22326652/1b07910c/PI_100.html

Mga Bagay Na Natutunan Ko Sa PI Ko

Hindi ito ang PI na iniisip niyo. Ang PI na sinasabi ko ay ang aking subject na Philippine Institution 100. Kayo naman. Ang sama naman ng naiisip niyo. Pero hindi yan ang point ng blog na ito. Sa blog na ito makikita mo lahat ng mga kalokohan at mga pinagbuwisan ko ng maraming dugo.

Teka, ano nga ba talaga ang mga nakukuha mo pag nagpiPI 100 ka? Sa akin ito ang mga natutunan ko:

  • Matututunan mo ang toxicity ng cramming. Ang cramming hindi siya toxic kung master mo na. Pero ako master ko na ang cramming kaya lang sablay pa rin ako pagdating ko sa PI 100. Sa PI kahit gaano ka kagaling sa cramming, wala ka pa ring laban. Sisipsipin niya ang iyong energy.
  • Magiging "creative" ka. Ang ibig sabihin ng creative diyan ay ang pagpiga ng iyong creative juices. Sobrang sasagarin mo yan pag nagPI ka. Dapat kahit wala kang alam tungkol sa paper mo at malas mo pa pag wala ka man lang nabasang readings, kailangan mong magmukhang may alam kasi paano ka magsusulat diba? Ano na lang ang ipapasa mo?
  • Ang readings ay kailangang basahin talaga. Kaya nga may read sa word na readings eh! Kasi kung hindi mo babasahin, naku ewan ko kung saan ka pulutin.
  • Kung hindi ka pa naman mamamatay at lagnat lang yang nararamdaman mo, pumasok ka pa rin. Kasi hindi mo alam kung anong kapalit ng pagabsent mo ng kahit minsan lang. Kung pakiramdam mo Hell na ang pakiramdam mo nung nagkasakit ka, ewan ko na lang pag nalaman mo ang consequence ng pag-absent mo na yun. Baka best friend mo na si Satanas at pakiramdam mo ay matagal ka ng nakatira sa Hell.
  • Kung feeling mo toxic na ang magkaroon ng exam every 3 weeks, try mo magPI. Almost every week may exam kami. Hindi ko alam sa ibang PI class pero sa amin, naku!
  • Ang bluebook at ang library ay magiging bestfriends mo. Kailangan mo sila lagi!
  • Matututunan mo rin ang kahalagahan ng almusal. Parang hihigupin ng PI ang lakas mo every time na may meeting kayo.
  • Matututo ka ring magmura dahil nga sobrang toxic niya. Ang paborito ko: PI na PI yan! Haha.
Pero sandali, lahat ng sinabi ko ay kasamaan lamang. Hindi naman lahat ganun. Kayo naman. Wag kayo matakot magPI. Sasabihin ko kung bakit hindi niyo kailangang matakot. Base to sa karanasan ko ha.

  • May field trips ang PI. Oo, masakit siya sa bulsa pero hindi niyo alam kung anong makikita niyo at malalaman sa mga field trips na iyon. Plus may bonding moments pa kayo ng friends niyo. Sa field trips maari din kayong maging lovey-dovey ng inyong kasintahan. Ilang advantages yan ng field trips.
  • Nakakatuwa ang Prof. Well, sa amin masaya ang klase dahil sa kanya. Maliban na lang pag nagsabi na siya ng, "Next week, paper this and paper that o kaya naman bring 3 bluebooks..." Basta ganung klase. Pero grabe magaling yung prof namin. Isa pa, straightforward siya. Sabihin ba namang, "You're goddamn arrogant! Why? Because we train you to be like that!" O sinong prof ang carry na sabihin yan?
  • Mapapadpad ka kung san-san. Yung prof namin magaling maghanap ng mga happenings! O dinala na ba kayo ng prof ninyo sa isang cosplay convention? Pfft. Sa amin oo! Galing no? Nagcosplay pa nga akong Japanese school girl noon. Haha.
  • Madami kang matututunan sa History. Naku, ngayon ko nga lang nalaman na hindi pala bansot si Jose Rizal! 5'4 si Rizal! Hindi siya maliit no!
  • Madami kang mamimeet na cool na people! Yung mga taong kala mo sa textbooks mo lang makikita o history books mo makikita, makikilala mo sila ng personal at malalaman mong hindi sila boring!
  • At huli, magiging matalino ka at kritikal at some point. Kailangan mo ng mature mind pag nagtake ka ng PI. Kaya nga halos 4th years students ang nagtetake nung mga yun. Pero kahit 2nd year ka lang ok lang yan. At least kalevel mo ang mga 4th year.

(Message for my prof: Sir, hindi kasi gumagana yung multiply ko kaya napadpad ako dito sa blogspot. Sorry sir!)